KISAPMATA
Ang anim na taong paghihirap
(+63) 9104807338
PART III
Sa loob ng limang taon, lagi akong nagsusubok na itakas, di lamang si Mila, kundi pati ang mga batang narororoon.
Ang lahat ng batang labing walo pababa, lalaki o babae ay sabay-sabay naliligo dahil kakaunti lamang ang suplay ng tubig. Naalala ko pa ang kapilyahan namin noon ng magsabay kami ni Nilo na maligo at gawin ang mga bagay na di pa ginagawa ng mga bata, nahuli kami ng mga guwardiya sa likod ng palikuran, ako’y pinabalik na sa selda samantalang si Nilo nama’y pinatakbong hubo’t hubag sa buong kampo.
Sadyang malulupit ang mga mananakop, tanda ko pa ang isang babaeng anak ng namumuno sa amin, sa sobrang pagkahumaling niya sa ilang kalalakihan, marami syang pinapagawa ditong di karaniwan. Katulad ni kuya Lito, dating kalapit ng aming bahay, dalawang pu’t tatlo na sya, kung ako ang tatanungi’y walang itsura, kaya siguro sya napagdiskitahan ng babaeng iyon. Habang nagtatrabaho si kuya Lito, pinatawag sya ng babaeng anak nga ng namumuno at pinagahasa nya ang isang babae mula sa imbakan. Ang tanda kong babaeng iyon ay si ate Shiella, dalawang pu’t lima , sampung araw nang patay.
Maraming hayop ang katabi lamang ng aming kampo, pinapaalagaan ito sa amin at naging ‘pet’ ko na nga dito ay si Bruno, isang baka, kinukuhaan ko sya lagi ng dayami sa kabilang gilid ng kampo, nasaksihan pa naming lahat ang kanyang panganganak. Matapos ang isang taong pag-aalaga namin sa kanya, dinirekta na sya sa hapagkainan ng mga mananakop. Ang naiwan nyang anak ang ngayo’y aking alaga.
Di lahat ng bawat taon ay may masayang parte, may isang taon kaming naranasang puro pasakit. Di ko nga alam kung kailan ito matatapos. Ginagamit nila ang aming lakas at kakayanan upang kumita sa ibang bayan, ngunit sa loob ng maraming taong pagdurusa, isa pa ring tanong sa aming isipan kung bakit kami ay pinapahirapan, kung bakit nila kailangang sirain ang aming bayan, wasakan ang bawat buhay ng bawat isa. Bakit kami pa?
Sa sumunod na mga araw matapos kaming maglimang taon sa kampo, ibang gimik na ang kanilang pinauso. Inaayusan na ang mga kababaihan at inirereto sa mga mayayamang kalalakihang bumibisita sa kampo. Marami ang natuwa dahil iniisip nilang ito na ang pagkakataon nilang makaalis sa kampo at magbagong buhay ngunit iba ang nangyari. Ginagahasa sila sa loob ng kampo at wala ni isa ang inilabas sa kanila, parausan ang ginawa sa aming mga kababaihan. Ang ibang nagbuntis ay pinapagawa ng mabibigat na bagay kaya nagsisimatay ang mga bata sa kanilang sinapupunan.
Si Rosa nga, dati kong kaklase sa elementary, natakot syang ipalaglag ang bata dahil sa sobrang pananalig sa Diyos, kaya ginawa nya ang lahat upang di malaglag ang bata. Sya ang kauna-unahang nagsilang ng sanggol sa kampo ngunit matapos ang ilang buwang pag-aaruga nya dito, kinuha rin ito ng tunay na ama at nagbayad ng malaking halaga.
Dahil sa nangyari, iba na ang ginagawa sa mga kababaihan, di na sila gumagawa ng mabibigat na gawain dahil sila ay pinapagawa ng mga sanggol na ipagbibili sa mga dayuhan. Ang kababaihang makagawa at makabenta ay may malaking gantimpala, ang pagkain ng tatlong beses sa isang araw.
Nasa tamang edad lamang na kababaihan ang pinapagawa ng mga ito kaya di ko pa ito nararanasan.
Sa ikaanim na taon naming sa kampo, ito na ang araw na kinatatakutan ko dahil sa oras na tumuntong ako sa ikalabing walong gulang ay gagawin ko na rin ang mga ginagawa ng kababaihang may labing walong gulang. Maswerte ako sa unang karanasan ko dahil ang taga ibang bayan na dapat ay gagalaw sa akin ay may mabuting puso, di nya ako nagalaw ngunit sa pagkakataong nakakainom sya ay mas grabe ang ginagawa sa aking parusa, pinapagawa ako ng mga bagay na di kaya ng akin murang katawan. Habang tumatanda’y gumaganda ang aking katawan kaya rin siguro napag-interesan ako ng kahit mga taga kampo. Pinili kong gumawa ng mabibigat na bagay para di nila ako magawan ng masama ngunit isang gabi, tinutukan ako ng baril ng isang guwardya, sinabi nya sa aking papatayin nya ako kung hindi ako papayag sa nais nya. Kung pipiliin ko ang bala ng baril, mapapabayaan sa kampo si mila kaya sumunod ako sa gusto nya. Ito ang pinakamasaklap na nangyari sa akin. Ito ang dahilan kung bakit lagi akong umiiyak at tulala. Maraming beses ko na ngang sinaktan si Mila dahil sa mga nangyari sa akin. Natatagpuan ko na lang ang sarili kong maraming hiwa sa katawan habang yakap ng aking kapatid.
No comments:
Post a Comment