Sunday, April 1, 2012

mga batang nangarap .. nangarap lang


Muling nagbabalik ang tambalang Jay at Laika
Matapos nga isang taon na kanilang pagsasama
Lumipas ang isa pang yir at nag anibersari sila

Noong Marso ng nakaraan, nagpunta ng hapon
Nag Tom’s world at dyakpat sa relo na kahoy
At tsaka kumain sa dyolibi ng shiken dyoy
wooden watch from Tom's World

Pagsapit ng gabi, di na sila nagkandaulahaw
Ang show naman kasi nagsimula ng gumalaw
At ang daming tao doon nakipamam
Pyromusical 2011

Pwesto sa labas, makapagpiktur lang
At nag-bideyo pa, magka-lobat lobat man
At ileben na ng gabi ng umuwi sa bahay
pyromusical 2011 (japan)

Pumunta lang naman sila sa payro-myusikal sa MOA
Nag-aplowd ng piktur at bideyo sa kamera
At kahit na March na yon, anibersari pa rin nila?
Laika and Jay at Pyromusical 2011

Marami pang nuwan ang lumipas ng mabilis
May bago ba pa gang dalawa nagtampuhan ng labis?
Syempre wala na, normal na yong nais

Kaso ang problema, medyo iba sa da-te
Si Jay naman kasi, nag-enterteyn ng babae
Ang palusot tropa nya lang at dating kaklase

Uber man ang sori ni Jay kay Laika
Di na kinaya at nag breyk din sila
Tatlong araw din yon, akala nyo ba?

Lalo pang umigting ang kanilang tampuhan
Nang si Jay, di nagpunta man lang sa bahay
Kaya ending, si Laika bumisita sa kasintahan

Tatlong oras din yon, nung naghintay sya ng oras
Si Jay naman kasi, nasa kompyuter ng westsaydas
At bising-bisi sa akawn na dinudagas

Pagdating sa bahay, nagulat si kugkog
Paano, si Laika ayun nasa sulok
At namumula na sag alit at himutok

Unang nagsalita si Jay at nagpaswit
Ano nga ba? Kundi “sori” na kanyang peyborit
Pero wala pa ring talab, kaya si Laika kinulit

Apter 4 ars na pag-uusap nila
Madadaan naman pala sa iyak si Laika
Kaya ang ending, ayun tawa ng tawa

Dumating pa ang maraming buwan ng mga kakornihan
patuloy ang dalawa na nagkakainlaban
Pero di pa rin maiwas sa tampuhan

3rd anniversary cake from Red Ribbon
Pebrero dose noon ng sila’y magpabeyk
Sabi “pebrero naman kasi ang tunay naming deyt”
Si Laika nakatanggap ng rows at smol keyk

Jay and Laika
Dahil wala selebrasyon na gaganapin
Si Laika nakaisip ng bagong gastudin
Sama daw sila sa konsert na mamahalin

General admission ticket of Smash Project 2012
(The Cab, Cobra Starship, Dashboard Confessional and The Used)
Dahil nagpilit si biik na chakadora
Gen Ad lang tuloy and kinaya ng pera
Pero at least, nasa Smash Project sila

Araneta Coliseum, march 8 ang seting
Si Jay ang gagawa ng lahat ng gastusin
Problema nya ngayon, wag nyo ng alaman :D

Pagdating ng march 10, payro-myusikal na elegante
Ang twist ditto, si Laika ang manlilibre
Para 3rd yir naman nila, ay sobrang engrande

Valentine's flowers from Jay
Marami pang buwan na lilipas sa dalawa
Pero lab banab siguro, hindi mag-iiba
Tumigil man kung minsan at napapagod man sila
Ang importante naman, ending ang maganda
Sana neks taym, simbahan na ang larga

No comments:

Post a Comment