Sunday, April 15, 2012

Noon at Ngayon


It was a sunny afternoon. Almost everyday nga yata sunny afternoon. I cried for four consecutive days. Dire-direcho yun at halos apat na gabi ring iyakan. He broke up with me for many times, pero dahil sa sinasabi nyang “hindi ko kayang iwan ka kasi mahal na mahal kita” bigla na lang ulit kaming babalik to what we are before.

Let’s start the story sa “noon”

It was a sunny afternoon. We are so happy. I am so happy. Pumupunta ako sa isang Born Again Christian church to study bible. They teach me well. Mas lalo ko ngang minahal si God. My family saw the progress kasi lagi daw akong nagbabasa ng bible at lahat ng halos kinu-kwento ko ay about God.

Sa boyfriend naman, we broke up dahil sa akin for three days but we go back the relation at nakita kong much stronger pa. We see each other everyday. We laugh everyday. We love each other everyday. Halos parang after the 3day-broke-up, nag-regen ang heart namin at mas nagmahalan kami ng husto. Napapasaya nya ako at fortunately, napapasaya ko sya. I have my religious belief, I have my family, and I have my boyfriend.

Then, here comes the Mid Part

The Christian church I have said above, challenge me to break up with my boyfriend. At hindi ko nagawa ang challenge. I do love God before anything else but I choose to be with my worldly love one and I know I hurt Him so much. I become depressed for many days. Nag-iisip nga ako noon kung ipagpapatuloy ko pa ba. Here comes the teary evening at laging pray over ko ay “makuha ang tamang desisyon” which is God’s decision. Dinaan ko sa maraming signs. Sa out of 4 signs na hiningi ko, 2 ang may response at 2 ang wala. Naging happy ako at pinagpatuloy ang bible reading. Kaso my relationship with church ay nagfade sa di ko malamang dahilan. I still seek for them dahil totoo nila akong napasaya at naturuan but I am shy for I can’t do the challenge.

Pagdating naman sa aking boyfriend, nagkaroon kami ng problema. Nawawalan sya ng oras sa akin at masyado akong nagdemand. We both decided to talk about it but it ends up I talk the most and he just do the “hindi” at “oo”. On day 1, we did not break up but we separate with tears. On day 2, I said I’m tired of being with him. At day3, he said his tired of the relation at nasasakal na sya, and he broke up with me. I choose to let him go kasi narealize ko ang pagkakamali ko and I don’t want to make the situation more complicated. At day 4, we met even though he doesn’t like to see me. I ask him with smiley face if he still want the break up.

“hindi ko na po kasi kayang gawin ang mga pinagagawa mo e”

I was hurt, but deep inside me, I know that I am the reason kung bakit sya nasakal. I was happy for him, truly. I kissed him on cheeks, he gave his last hug, very tight, and he wishes for the last kiss pero hindi ko binigay. Naging masaya ako para sa kanya kahit sya ang nakipag-break. Nag-usap pa kami ng parang magkaibigan at nagsabihan ng ilang bagay tulad ng “sorry” at “thank you”. He broke up with me pero masaya ako dahil marami akong na-realize. Mahal ko pa sya pero ready na ako na pakawalan sya to be happy with the things which really made him glad.

After hours of talking and laughing, I decided to go home. He stared at me but I can’t even look him in the eye. Before 10 minutes pass, he held my hand at sinabing

“hindi ko kaya.. hindi ko kayang iwan ka kasi mahal na mahal kita”

We talk again. He talks to me and we did rules for ourselves and our relationship. Sabi ko hahayaan ko na syang gawin lahat ng gusto nya basta wag namin hayaan ang relasyon. We become fine for hours, I kissed him and we separated. On the next day, we met again.

At sa pagkakaalam ko, eto na ang present. Nagagawa nya na ang gusto nya ng walang kahirap-hirap. Natuto na kasi ako. Maraming nagsabing I am just the girlfriend and I should support him to what he want to do dahil hindi pa kami mag-asawa at tama naman sila. I realized everything. Naging much sweeter kami at we promise last night about the stuffs we almost always do. Naging ok kami sa tamang meaning ng okay. Naging mas masaya, naging mas strong at mas nagmahalan. At ang pinakamaganda rito, nagsalita sya for the first time on what he really feels at natuto ako rito. Natuto ako sa mga ginawa ko noon at mas nag grow ako bilang tao.

I still read the bible. May kaklase ako noon na iniinvite ako sa church nila and I want to try them. Gusto ko ulit magliyab kay God dahil simula ng mid part of my life, naging cold ako sa Kanya. I want to serve him again. I still want to continue my communication with the first church I join pero sa lahat, si God ay gusto ko i-seek muli. Sya naman siguro and magdadala sa akin kung saan man akong church nararapat at sya lang ang magiging batayan ko from all of these. I broke other’s heart and they broke my heart but God do the repairing. Nabubuhay muli ako ng masaya hindi lamang dahil sa isang tao, kundi dahil kay God. Sini-seek ko syang muli, at si boyfriend naman? Ayun, sasama sya sa family swimming namin kung saan tinanggihan nya ng noon ng 3 araw :D

Sunday, April 1, 2012

mga batang nangarap .. nangarap lang


Muling nagbabalik ang tambalang Jay at Laika
Matapos nga isang taon na kanilang pagsasama
Lumipas ang isa pang yir at nag anibersari sila

Noong Marso ng nakaraan, nagpunta ng hapon
Nag Tom’s world at dyakpat sa relo na kahoy
At tsaka kumain sa dyolibi ng shiken dyoy
wooden watch from Tom's World

Pagsapit ng gabi, di na sila nagkandaulahaw
Ang show naman kasi nagsimula ng gumalaw
At ang daming tao doon nakipamam
Pyromusical 2011

Pwesto sa labas, makapagpiktur lang
At nag-bideyo pa, magka-lobat lobat man
At ileben na ng gabi ng umuwi sa bahay
pyromusical 2011 (japan)

Pumunta lang naman sila sa payro-myusikal sa MOA
Nag-aplowd ng piktur at bideyo sa kamera
At kahit na March na yon, anibersari pa rin nila?
Laika and Jay at Pyromusical 2011

Marami pang nuwan ang lumipas ng mabilis
May bago ba pa gang dalawa nagtampuhan ng labis?
Syempre wala na, normal na yong nais

Kaso ang problema, medyo iba sa da-te
Si Jay naman kasi, nag-enterteyn ng babae
Ang palusot tropa nya lang at dating kaklase

Uber man ang sori ni Jay kay Laika
Di na kinaya at nag breyk din sila
Tatlong araw din yon, akala nyo ba?

Lalo pang umigting ang kanilang tampuhan
Nang si Jay, di nagpunta man lang sa bahay
Kaya ending, si Laika bumisita sa kasintahan

Tatlong oras din yon, nung naghintay sya ng oras
Si Jay naman kasi, nasa kompyuter ng westsaydas
At bising-bisi sa akawn na dinudagas

Pagdating sa bahay, nagulat si kugkog
Paano, si Laika ayun nasa sulok
At namumula na sag alit at himutok

Unang nagsalita si Jay at nagpaswit
Ano nga ba? Kundi “sori” na kanyang peyborit
Pero wala pa ring talab, kaya si Laika kinulit

Apter 4 ars na pag-uusap nila
Madadaan naman pala sa iyak si Laika
Kaya ang ending, ayun tawa ng tawa

Dumating pa ang maraming buwan ng mga kakornihan
patuloy ang dalawa na nagkakainlaban
Pero di pa rin maiwas sa tampuhan

3rd anniversary cake from Red Ribbon
Pebrero dose noon ng sila’y magpabeyk
Sabi “pebrero naman kasi ang tunay naming deyt”
Si Laika nakatanggap ng rows at smol keyk

Jay and Laika
Dahil wala selebrasyon na gaganapin
Si Laika nakaisip ng bagong gastudin
Sama daw sila sa konsert na mamahalin

General admission ticket of Smash Project 2012
(The Cab, Cobra Starship, Dashboard Confessional and The Used)
Dahil nagpilit si biik na chakadora
Gen Ad lang tuloy and kinaya ng pera
Pero at least, nasa Smash Project sila

Araneta Coliseum, march 8 ang seting
Si Jay ang gagawa ng lahat ng gastusin
Problema nya ngayon, wag nyo ng alaman :D

Pagdating ng march 10, payro-myusikal na elegante
Ang twist ditto, si Laika ang manlilibre
Para 3rd yir naman nila, ay sobrang engrande

Valentine's flowers from Jay
Marami pang buwan na lilipas sa dalawa
Pero lab banab siguro, hindi mag-iiba
Tumigil man kung minsan at napapagod man sila
Ang importante naman, ending ang maganda
Sana neks taym, simbahan na ang larga

Tuesday, March 27, 2012

Ako si Martir!


Gabi na non. Alas-otso na nga ata ng gabi. Napakasimple nang gabing yon. Pareho kaming hindi nagsasalita dahil parehong blanko ang aming isipan, ngunit pareho kaming masaya. Sa ganda ng mood, nagawa ko pang magbiro

“naks tineks sya ng tropa nyang babae”

Ngunit habang tumatagal ang pagkakatingin ko sa kanyang cp, lalo lang tumahimik ang paligid. Nakabasa ako ng ilang matatamis na mensahe mula sa babae kaya tinanong ko ito sa kanya.

“bakit wala yung sent items mo? Yay, binura nya para di ko mabasa pinag-usapan nila”

Pabiro ko iyong sinabi dahil nakangiti pa ako. Mababaw lang naman ang nararamdaman ko. Wala akong karapatang magselos dahil alam ko namang ako lang ang babaeng mahal nya. Binaba ko ang cp at nakipag-usap sa iba, iba ang naging interpretasyon nya noon. Biglang tumaas ang kanyang boses at nagbigay ng mukhang nagagalit. May mga sinabi sya noon at bumulong pagtapos. Ang mga sumunod na pangyayari ay di ko na naintindihan.

“uuwi na nga ako!!”

Mataas pa rin ang inaabot ng kanyang boses at ganoon pa rin ang mood ng kanyang mukha. Dahil di ko naiintindihan ang nangyari, hinayaan ko syang umuwi sa kanila.

Halos 1 oras bago ko nasimulang maintindihan ang nangyari. Nagalit sya sa reaksyon ko noong tinanong ko kung bakit nya binura ang kanyang sent items samantalang dinaan ko iyon sa biro at ngiti. Ngunit dahil inunahan sya ng kanyang pride at guilt, nagawa nyang magalit. Tineks ko sya noon ng kung anu-ano ngunit wala syang tugon. Tinawagan ko pa sya ngunit wala syang sagot. Dahil martir ako sa aking unang pag-ibig, halos 1 oras at kalahati kong kinontak ang taong iyon kahit wala akong nakukuhang sagot sa kanya miski “sorry” o “hi”.

            10:30pm. Nakaisip ako ng paraan para pumunta sya sa amin.

“pumunta ka dito, mag-usap tayo. Pag hindi ka pumunta, break na tayo! Imean it!”

Halos kalating oras din sya bago nakapunta sa amin. Ang mukha nya ay puno ng galit at hindi man lamang ako binati. Umupo kami noon sa labas ng aming bahay upang tanging kami lang ang magkarinigan. Halos abot tanaw lang kasi kami ng aking mga kapatid.

Ako ang unang nagsalita tulad ng dati.

“bakit ka ba nagagalit?”

Wala syang tugon tulad din ng dati. Nakababa lamang ang kanyang mukha at nagpapaka-busy ang  kamay.

“bakit mo ba binura yung sent items. Sasagutin mo lang naman ha? Mahirap ba? Kung wala ka naman ginagawang masama o kung wala ka naman sinabing iba, hindi ka magdadalawang isip sabihin.”

Hinawakan nya ang kanyang batok at noo na tila bugnot na bugnot at galit na galit. Marami pa akong sinabi bago tuluyang umiyak, samantalang sya, wlang reaksyon at walang tugon. Tanging kamay nya lang ang gumagalaw, at kung lilikha man sya ng tunog, ayon ay sa tuwing sya ay hihikab.

            Halos 1 oras at kalahati rin kaming nag-usap. Nagsosorry sya ngunit biglang babalik ang kanyang dating reaksyon. Masakit iyon sa pakiramdam ko dahil wala syang reaksyon.

“ano ba? Bakit hindi ka nagsasalita?”

Naramdaman ko ang sakit ng aking kamao. Sinuntok ko kasi ng tatlong beses ang lapag dahil sa hindi nya pagsagot sa akin. Nang sandaling iyon, doon ko lang sya nakitang may reaksyon. Hinawakan nya ang kamay ko at nagsalita.

“bakit mo ba kailangang saktan ang sarili mo?”

Hinimas nya ang aking kamay samantalang paulit-ulit ko itong iniiwas sa kanya.

“bakit kasi di mo ako pinapakinggan?”

Iyak na ako non ng iyak. Hindi dahil sa sakit ng kamay kundi dahil sa sakit ng damdamin. Bumalik sya sa kanyang reaksyon samantalang pinipilit kong kunin ang kanyang sagot.

“hindi ba pwedeng ipagpabukas to?...”

Sumigaw sya ng malakas.

“..napapagod na kasi ako!!”

Bumuhos na ng tuloy-tuloy ang aking luha ngunit hindi na ako lumikha ng ingay. Tumayo ako at tumayo sya.

“sige na!”

Tinalikuran ko sya at hinintay umalis ngunit nagawa nya pa akong hawakan sa balikat.

“sorry!”

Tska sya umalis. 12:30 yon.

Halos tatlong araw ang nakalipas. Ang sinabi nyang pag-uusap kinabukasan matapos ang aming away ay hindi natupad dahil hindi kami nagkita. Hindi sya nagsundo at hindi rin naghatid. Tatlong araw kaming ganoon. Di sya nagparamdam at hindi sya gumawa ng paraan para kami'y magkita.
            Myerkules, wala akong pasok. Hindi pa rin kami nag-uusap o nagkikita. Hindi sya nagteteks at ganoon din naman ako. Ang alam ko lang, break na kami.

AKO SI MARTIR. Umaga ng myerkules, napagdesisyunan kong makipagkita sa kanya. AKO SI MARTIR. Nagpunta ako sa kanila ng 9:30am nang hindi nya alam, wala sya noon sa bahay. AKO SI MARTIR. Naghintay ako ng tatlong oras para lamang Makita sya at makapag-usap kami. Dahil AKO SI MARTIR, nagawa ko syang hintayin.

Kahit katangahan na ang pinakita ko, okay lang dahil ayaw ko syang mawala. Ayokong masayang ang humigit kumulang na tatlong taon naming relasyon. Nakita ko syang nakangiti habang papalapit sa akin at tila gulat samantalang nag-uunahan naman ang luha sa aking mata samantalang nakatingin ang buo nyang pamilya at nakikita nila ako. Hinila nya ako papunta sa bahay nilang isa at doon nag-usap, todo na noon ang iyak ko habang nakikita ako ng kanyang kapatid.

“kailangan ko pa bang magsalita? Ayoko na, napapagod na ako”

Pagod na talaga ako noon sa pag-iyak, sa kakaisip at kakasalita sa tuwing kami’y nag-aaway. Sya ang nagsasalita noon, marami syang pinaintindi sa akin at naintindihan ko naman ngunit hindi lang talaga matanggap ng puso ko na AKO ang MARTIR at hindi sya.

AKO SI MARTIR. Kailan ba mabibigyan ng credits and mga babae sa relasyon. Sa tuwing may nagtatanong kung ilang taon na kami, natutuwa sila dahil umabot na kami sa halos 3 taon.

“ang galing mo naman maghandle ng relasyon”

Sinasabi nila iyan sa aking boyfriend ngunit kung iisipin, kung hindi AKO MAGIGING MARTIR, matagal na kaming hiwalay.

Marami sya noong sinasabi tungkol sa away naming, at maraming beses din syang humingi ng tawad. Ngunit isa lang ang alam ko, magbabati kami dahil AKO SI MARTIR!