Gabi na non. Alas-otso na nga ata ng gabi. Napakasimple nang gabing yon. Pareho kaming hindi nagsasalita dahil parehong blanko ang aming isipan, ngunit pareho kaming masaya. Sa ganda ng mood, nagawa ko pang magbiro
“naks tineks sya ng tropa nyang babae”
Ngunit habang tumatagal ang pagkakatingin ko sa kanyang cp, lalo lang tumahimik ang paligid. Nakabasa ako ng ilang matatamis na mensahe mula sa babae kaya tinanong ko ito sa kanya.
“bakit wala yung sent items mo? Yay, binura nya para di ko mabasa pinag-usapan nila”
Pabiro ko iyong sinabi dahil nakangiti pa ako. Mababaw lang naman ang nararamdaman ko. Wala akong karapatang magselos dahil alam ko namang ako lang ang babaeng mahal nya. Binaba ko ang cp at nakipag-usap sa iba, iba ang naging interpretasyon nya noon. Biglang tumaas ang kanyang boses at nagbigay ng mukhang nagagalit. May mga sinabi sya noon at bumulong pagtapos. Ang mga sumunod na pangyayari ay di ko na naintindihan.
“uuwi na nga ako!!”
Mataas pa rin ang inaabot ng kanyang boses at ganoon pa rin ang mood ng kanyang mukha. Dahil di ko naiintindihan ang nangyari, hinayaan ko syang umuwi sa kanila.
Halos 1 oras bago ko nasimulang maintindihan ang nangyari. Nagalit sya sa reaksyon ko noong tinanong ko kung bakit nya binura ang kanyang sent items samantalang dinaan ko iyon sa biro at ngiti. Ngunit dahil inunahan sya ng kanyang pride at guilt, nagawa nyang magalit. Tineks ko sya noon ng kung anu-ano ngunit wala syang tugon. Tinawagan ko pa sya ngunit wala syang sagot. Dahil martir ako sa aking unang pag-ibig, halos 1 oras at kalahati kong kinontak ang taong iyon kahit wala akong nakukuhang sagot sa kanya miski “sorry” o “hi”.
10:30pm. Nakaisip ako ng paraan para pumunta sya sa amin.
“pumunta ka dito, mag-usap tayo. Pag hindi ka pumunta, break na tayo! Imean it!”
Halos kalating oras din sya bago nakapunta sa amin. Ang mukha nya ay puno ng galit at hindi man lamang ako binati. Umupo kami noon sa labas ng aming bahay upang tanging kami lang ang magkarinigan. Halos abot tanaw lang kasi kami ng aking mga kapatid.
Ako ang unang nagsalita tulad ng dati.
“bakit ka ba nagagalit?”
Wala syang tugon tulad din ng dati. Nakababa lamang ang kanyang mukha at nagpapaka-busy ang kamay.
“bakit mo ba binura yung sent items. Sasagutin mo lang naman ha? Mahirap ba? Kung wala ka naman ginagawang masama o kung wala ka naman sinabing iba, hindi ka magdadalawang isip sabihin.”
Hinawakan nya ang kanyang batok at noo na tila bugnot na bugnot at galit na galit. Marami pa akong sinabi bago tuluyang umiyak, samantalang sya, wlang reaksyon at walang tugon. Tanging kamay nya lang ang gumagalaw, at kung lilikha man sya ng tunog, ayon ay sa tuwing sya ay hihikab.
Halos 1 oras at kalahati rin kaming nag-usap. Nagsosorry sya ngunit biglang babalik ang kanyang dating reaksyon. Masakit iyon sa pakiramdam ko dahil wala syang reaksyon.
“ano ba? Bakit hindi ka nagsasalita?”
Naramdaman ko ang sakit ng aking kamao. Sinuntok ko kasi ng tatlong beses ang lapag dahil sa hindi nya pagsagot sa akin. Nang sandaling iyon, doon ko lang sya nakitang may reaksyon. Hinawakan nya ang kamay ko at nagsalita.
“bakit mo ba kailangang saktan ang sarili mo?”
Hinimas nya ang aking kamay samantalang paulit-ulit ko itong iniiwas sa kanya.
“bakit kasi di mo ako pinapakinggan?”
Iyak na ako non ng iyak. Hindi dahil sa sakit ng kamay kundi dahil sa sakit ng damdamin. Bumalik sya sa kanyang reaksyon samantalang pinipilit kong kunin ang kanyang sagot.
“hindi ba pwedeng ipagpabukas to?...”
Sumigaw sya ng malakas.
“..napapagod na kasi ako!!”
Bumuhos na ng tuloy-tuloy ang aking luha ngunit hindi na ako lumikha ng ingay. Tumayo ako at tumayo sya.
“sige na!”
Tinalikuran ko sya at hinintay umalis ngunit nagawa nya pa akong hawakan sa balikat.
“sorry!”
Tska sya umalis. 12:30 yon.
Halos tatlong araw ang nakalipas. Ang sinabi nyang pag-uusap kinabukasan matapos ang aming away ay hindi natupad dahil hindi kami nagkita. Hindi sya nagsundo at hindi rin naghatid. Tatlong araw kaming ganoon. Di sya nagparamdam at hindi sya gumawa ng paraan para kami'y magkita.
Myerkules, wala akong pasok. Hindi pa rin kami nag-uusap o nagkikita. Hindi sya nagteteks at ganoon din naman ako. Ang alam ko lang, break na kami.
AKO SI MARTIR. Umaga ng myerkules, napagdesisyunan kong makipagkita sa kanya. AKO SI MARTIR. Nagpunta ako sa kanila ng 9:30am nang hindi nya alam, wala sya noon sa bahay. AKO SI MARTIR. Naghintay ako ng tatlong oras para lamang Makita sya at makapag-usap kami. Dahil AKO SI MARTIR, nagawa ko syang hintayin.
Kahit katangahan na ang pinakita ko, okay lang dahil ayaw ko syang mawala. Ayokong masayang ang humigit kumulang na tatlong taon naming relasyon. Nakita ko syang nakangiti habang papalapit sa akin at tila gulat samantalang nag-uunahan naman ang luha sa aking mata samantalang nakatingin ang buo nyang pamilya at nakikita nila ako. Hinila nya ako papunta sa bahay nilang isa at doon nag-usap, todo na noon ang iyak ko habang nakikita ako ng kanyang kapatid.
“kailangan ko pa bang magsalita? Ayoko na, napapagod na ako”
Pagod na talaga ako noon sa pag-iyak, sa kakaisip at kakasalita sa tuwing kami’y nag-aaway. Sya ang nagsasalita noon, marami syang pinaintindi sa akin at naintindihan ko naman ngunit hindi lang talaga matanggap ng puso ko na AKO ang MARTIR at hindi sya.
AKO SI MARTIR. Kailan ba mabibigyan ng credits and mga babae sa relasyon. Sa tuwing may nagtatanong kung ilang taon na kami, natutuwa sila dahil umabot na kami sa halos 3 taon.
“ang galing mo naman maghandle ng relasyon”
Sinasabi nila iyan sa aking boyfriend ngunit kung iisipin, kung hindi AKO MAGIGING MARTIR, matagal na kaming hiwalay.
Marami sya noong sinasabi tungkol sa away naming, at maraming beses din syang humingi ng tawad. Ngunit isa lang ang alam ko, magbabati kami dahil AKO SI MARTIR!
No comments:
Post a Comment