....(para sa aking guro sa FilipinoIV)
Lumuha ka aking bayan, buong daing mong ilabas
'sang milyong anak mong pag-ibig ay wagas
kahit luha mo ma'y isang alon ng dagat
kahit luha mo ma'y di na kumukupas
Ang laging isigaw sa iyong pagluha
hinagpis ng araw, lukban ka ng laya
ang luhang didilig sa tigang mong lupa
luhang tutunaw sa, rehas ng banyaga
Dumaing nang langit sayo'y magliwanag
ang mga anak mo, bandila mong ilalatag
sa dagat mang puno ng batong lagalag
sa tinik man ng dusa'y silang iyong salag
Sa paglipas ng panahon, luha mo'y matutuyo
siklab ng damdamin, uusbong, tatayo
ang dati mong buhay, magbabago, mabubuo
ang laya mo'y makakamtam, banyaga'y susuko
Sayong bagong yugto, marami ang sisibol
ang himagsikang laban ay biglang mapuputol
ang puso mong malamig, mag-iinit, aapoy
ang umalipusta sa iyo, sa taas ang hatol
Bagong ara'y darating ng buong may paghanga
papalit sa galit, magpatawad ng bigla
sa muli mong pagtayo, ngiti na at di luha
Ang bayan mong salat, uunlad pagdaka
No comments:
Post a Comment