The Sweet Fight
" 30 minutes passed and i found myself starring at him .. life is so perfect"
mag-aalasais noon, may appointment ako ng saktong alasais ng maisip nyabg pumunta sa park kung saan tanaw ang ganda ng ilog pasig pag tagsilim. Pumili ng magandang spot, hinawakan ang mga grills habang sinasabi nya ang kanyang mga pangarap - halos nga lahat para sa amin ee ..
"sino ang mga makakasama mo mamaya? sya na naman ba?" tanong ng biglang baba ng mukha.
"bakit ba tanong ka ng tanong tungkol sa kanya? ngayon napapatunayan kong wala kang tiwala" sabay tingin sa napakalayong lugar kahit wala namang tinatanaw.
tahimik ang bawat segundong lumilipas, ang tanging naririnig ko lang ay ang dagundong ng alon ng ilog pasig sa tuwing bumabangga ito sa kanyang mga harang sa sandaling magmadali ang mga ferry sa paglikom ng mga pasahero, sa mga oras na dumaan ang mga ito, muling babalik sa kahinahunan ang ilg samantalang sayaw naman ng mga ilaw ang matatanaw.
wala ako noong naririnig. ang alam ko lang malungkot ako dahil sa muli naming pag-aaway dahil sa isang taong parehas naming di lubos na kilala.
"sori po, sori po, sori po, sori sori. .. di na mauulet"
tahimik ako noon ngunit umuugong sa tenga ko ang salitang sori na paulit ulit nyang sinasabi .
"wag ka ngang makulet"
panandaliang tatahimik ngunit uulitin nya na naman ang mga salitang sinasabi kasama ang marahang paghawak sa kamay kong nanlalamig na dahil sa haba ng panahong pakakapiit namin sa lugar na iyon.
tila wala akong pakiramdam, ang gusto ko lang ay sing tahimik ng ilog na iyon ang aming pag-aaway matapos ang tatlong pung minutong pagkakatitig sa repleksyon sa tubig, tumingin sya sa relo't sinabing "malelate ka na, tara na!!"
kung iisipin, isa iyong simpleng away ng dalawang taong di lubos na nagkakaunawaan. isa lang noon ang nararamdaman namin, sa kanya ay lungkot at sa akin ay malalim na damdamin. Isa lang ang tinititign ko sa ilog na iyon, ang ilaw na nagsasayawang may repleksyon ng taong aking lubos na minamahal.
No comments:
Post a Comment